HINDI puwedeng maging hepe ng pulisya sa Iloilo City si Chief Insp. Jovie Espenido kahit gusto ng Malacanang na maitalaga siya sa lungsod.
Mapupulaan ang Philippine National Police (PNP) kapag pinagpilitan nito na ilagay si Espenido, na kilalang berdugo ng mga masasamang-loob at drug lords, sa Iloilo City.
Ang nasabing lungsod ay isang highly urbanized city at ang dapat na maging hepe ng pulisya nito ay isang senior superintendent, na ang katumbas na ranggo sa military ay full-fledged colonel.
Si Espenido ay chief inspector lamang, whose rank in the military is major.
Kahit na superintendent (lieutenant colonel) si Espenido ay hindi pa rin puwede dahil ang ranggo na dapat sa Iloilo City ay senior superintendent.
***
May prececedent o nauna na ang ganoong sitwasyon.
Si Bong Amurao, isang magaling na superintendent, ay itatalaga sanang chief of police ng Puerto Princesa ilang taon na ang nakararaan.
Si Amurao ay hindi nailagay bilang police chief ng nasabing lungsod dahil ang kanyang ranggo ay superintendent lang.
Ang dapat na ilagay sa Puerto Princesa, isang highly urbanized city, ay senior superintendent.
Kahit na anong lakad ang ginawa noon ni Mayor Edward Hagedorn na maging hepe ng pulisya sa Puerto Princesa si Amurao dahil sa kanyang nagawang paglinis ng siyudad ng mga kriminal at drug pushers, di pinayagang makaupo siya dahil siya’y superintendent nga lang.
***
Kung maisampa ang impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Mababang Kapulungan at maiakyat sa Senado, tiyak na mapapatalsik siya sa puwesto.
Nang nilitis si Chief Justice Renato Corona, na pinalitan ni Sereno, ng Senado ay napatunayang nagkasala siya ng betrayal of public trust.
Ang kasong isinampa kay Corona ay dahil sa hindi niya pagdeklara ng tama ng kanyang statement of assets and liabilities (SALN).
Ang kaso ni Sereno ay pareho ng kay Corona: Hindi diumano idineklara ni Sereno ang malaki niyang kinita bilang isang abogado sa PIATCO deal noong siya’y nasa private practice pa.
Walang pagkakaiba ang kaso ni Sereno kay Corona.
What is sauce for the goose is sauce for the gander, ‘ika nga.
***
Huwag sanang maliitin ng gobyerno ang alok ng pamilya Marcos na isosoli nito ang kanilanng unexplained wealth na, sabi nila, ay hindi galing sa nakaw.
Kung paniniwalaan natin ang kolumnista ng Inquirer na si Jimmy Licauco, isang psychic, sinabi niya na ang mga Marcos ay nakadiskubre ng kayamanan sa pamamagitan ng Yamashita treasure.
Ani Licauco, sinabi sa kanya ng world-renowned psychic na si Olof Jonsson na itinuro nito kay Pangulong Ferdinand Marcos ang kinaroroonan ng Yamashita treasure sa Baguio City.
Kabilang sa Yamashita treasure ay tone-toneladang ginto, ayon kay Jonsson na sinabi raw niya kay Licauco.
Kung totoo ang sinasabi ni Jimmy Licauco tungkol kay Jonsson, aba’y talagang super yaman ng mga Marcos dahil sa Yamashita treasure.
At kung totoo man na nadiskubre nga nila ang Yamashita treasure, ang kanilang yaman ay hindi galing sa pangungulimbat sa kaban ng bayan.
Sa madaling salita, lehitimo ang kanilang kayamanan .
***
Isang palaisipan: Bakit lubhang napakayaman naman ng mga Marcos.
Kung ang yaman nila ay galing sa nakaw sa bansa, napakahirap ng ating bansa upang makakuha sila ng ganoon kalaking kayamanan.
Bilyon-bilyong dolyar ang mga pera at pag-aari ng mga Marcos sa Swiss banks at mga bangko sa iba’t ibang panig ng mundo.
May ari-arian sila sa iba’t ibang panig ng mundo.
Lubhang napakahirap ng Pilipinas upang mapagnakawan nila ng ganoong kalaking kayamanan.
Kung nangulimbat sila sa bansa baka nabangkarote ang Pilipinas noon pa, di po ba?
Palaisipan sa kayamanan ng mga Marcos
READ NEXT
Good over evil
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...