SA Senado ngayon, mainit ang bangayan nina Sen. Gordon at Trillanes sa isyu ng 604 kilos “shabu smuggling” na pilit itinututok sa Davao Group at sa magbayaw na sina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio.
Pagtatalong nakikita rin sa social media at pati mga broadcasters ay nakikisawsaw na rin. Karamihan, emosyonal at simpleng-simple ang mga banat at sagot, pero sinuri niyo ba ang isyu? Narito ang akin.
Sa pananaw ni Trillanes, dapat nang ipatawag ng blue ribbon committee si Paolo at Manse dahil ilang beses na itong binanggit ng Customs fixer na si Taguba na may konek-syon sa Davao Group, lalo’t babasehan ang mga text messages nila ni “Tita Nani”.
Nag-abot pa ng perang P5 milyon si Taguba kay Davao City councilor Small Abellera noong January 11 na pinabulaanan naman ng huli. Nais ipa-labas ni Trillanes na “corrupt” at nasa likod ng tara sa Customs sina Pulong at bayaw na si Mans lalo’t nagmamalinis at magreresign si Duterte kapag napatunayan.
Sa pananaw naman ni Gordon, ang iniimbestigahan nila ay kung sino ang nagpasok ng 604 kilos na shabu noong Mayo 26. Sa halip tukuyin at magpaliwanag si Customs fixer Mark Taguba kung sino ang nagbayad sa kanya, nagpasok at tumanggap ng “shabu shipment” sa warehouse, naging iba ang kwento nito at natuon sa lagayan sa Bureau of Customs. At hanggang ngayon, nakakalaya pa rin ang taong nagpasok ng tone-toneladang shabu na iyan dahil sa pagtatakip nitong si Taguba.
At ito namang si Gordon, nagpa-uto sa pang-uudyok ni Trillanes sa koneksyon ng “Davao group” kay Taguba. Pumayag si Gordon na imbitahin si Davao city councilor Small Abellera na tahasan namang pina-bulaanan ang alegasyon na tumanggap ito ng P5 milyon mula kay Taguba. Ang petsa Enero 11 sa Davao city..
Isipin niyo, abutan ng pera kina Taguba at Abellera kung totoo man ay noong Enero 11, ano nga naman ang koneksyon nito sa ipinuslit na shabu nitong Mayo 26? Aba’y talagang lihis na lihis na ang imbestigasyon. Pagkatapos gusto pang ipatawag ni Trillanes si Duterte at Carpio tungkol sa mga abutang nangyari noong Enero.
Naumpog sa ulo si Gordon at nahalata na ang lalo pang paglihis ng kanyang komite. Kaya’t di ako nagtatakang pumutok na sina Gordon at Sotto.
Di ko tuloy malaman kung sino sa dalawa, si Taguba ba ang naglihis ng isyu o si Sen. Trillanes? Sinadya ba ito? May mas malaking grupo ba na gusto ng whitewash? Sapagkat dahil sa dalawang ito, hindi matukoy at nakakalaya pa ang mga shabu smugglers.
Kayat expected ko na ang pag-isyu ni Taguba ng “public apology” kina Duterte at Carpio at sinabing walang kinalaman ang dalawa sa shabu smuggling at sa lagayan sa Customs. Si-guro nahalata niya rin ang direksyon ni Trillanes.
Kung tutuusin, mas bagay ang imbestigas-yon ni Trillanes kapag sinimulan ng Senate committee ways and means o Senate finance committee ang ibinulgar na “tara system” sa pri-vilege speech ni Senator Ping Lacson.
Pero, hindi dapat dito sa Senate blue ribbon committee dahil shabu smuggler ang hinahanap dito, hindi pulitika.
Gordon vs Trillanes: Kanino ka?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...