Addiction kayang labanan

(Huli sa limang serye)

LIMANG linggo rin nating tinalakay ang iba’tibang uri ng addiction na nagsisilbing kulungan ng kaisipan ng taong apektado nito.
Nailathala natin ang mga di kanais-nais na epekto ng pagiging sugapa, kung paano nito sinisira ang buhay at dinadala sa madilim na kinabukasan.
Sadyang mapaghanap ang ating kaisipan nang anumang kalugod-lugod, kabigha-bighani, kaaliwan at pansamantalang kasiyahan. Madalas din ginagamit ang mga nakaka-addict na bagay upang makalimutan ang mga suliranin, mabulag sa katotohanan,

Uulitin ko, ang “Addictive Nature” ng tao ay maaring makahanap ng panandaliang kaligayahan (pleasure) sa pag-abuso ng droga o bawal na gamot, sigarilyo, pagkain, alak, sugal, at iba’t-iba pang bisyo. Kung tuloy-tuloy ang gawain na ganito, hindi lang mamamatay ang pisikal na katawan kundi pati kaisipan at kaluluwa.

Ang malaking tanong: May lunas ba ang addiction?

May pag-asa pa bang maging maayos ang buhay “addict”? Ano nga ang katuturan ng buhay? Kailangan maintindihan muna ito dahil kung walang pagpapahalaga sa buhay, wala ring gagawing positibong paraan para maisaayos ito.

ANG SAGOT: MAY PAG-ASA, MAY LUNAS AT MAY BUHAY PAGKATAPOS NG “ADDICTION”.

Narito ang mga sagot:

1. “TOTAL WITHDRAWAL”- Sa pamamagitan ng “rehabilitation,” ang isang addict ay sapilitan na mahihiwalay sa kanyang kinagigiliwang “addiction.” Wala siya sa wastong pag-iisip habang nasa impluwensya ng bagay na nagpapalawak ng kanyang “addiction.”
Samakatuwid ang dapat gumawa ng desisyon na ilagay siya sa “rehab” ay ang mga kaanak, kaibigan o ang may awtoridad. Kinakailangan na mawala muna sa katawan ng taong “addict” ang mga kemikal na nagbibigay ng masamang epekto sa kanya.

2. “CONVERSION” – Ang pagbabago ng pananaw, pag-uugali at gawain ay mangyayari lamang kapag ang kaisipan ay nakatuon sa mataas na kaisipan ng Diyos, ang tamang espiritwalidad.
Kapag hindi nasamahan nito ang “rehabilitation,” malamang na babalik uli ang “addiction” dahil lang sa patuloy pa rin na maghahanap ang tao at ang kaisipan nito sa anumang kaligayahan na kanya muling mimithiin. Kapag pinayagan natin na dumaan sa atin ang positibong enerhiya na galing sa Poong Maykapal, tayo po ay gagaling at babangon mula sa karamdaman.

3. “EXCHANGE of DEEDS” – Ang isang “idle mind” o kaisipan na walang laman ay madaling pasukan ng negatibong enerhiya o impluwensya. Kailangan na may matutunan na mga bago at positibong kaalaman para may mga positibo, makabuluhan at masaganang gawain.

4. “GUARDING NEWFOUND SELF”- Hindi lang dapat matigil ang “addiction” kundi patuloy na bantayan ang sarili upang maiwasan ang mapalapit sa tukso.

5. “GO FOR TOTAL HEALING (Body, Mind, Spirit)” – Ang pagtutugma ng kaisipan sa tamang espiritwalidad ay magdudulot ng lakas, kalusugan at buhay na maayos sa pisikal na katawan.

Nawa ay malugod ninyong isasaisip at isasapuso ang mga tinalakay nating mga konsepto tungkol sa “ADDICTION.”
vvv
Abangan si Dr. Heal gabi-gabi sa DZIQ Radyo Inquirer 990am, alas-8 hanggang alas 9:30 para sa programang RADYO MEDIKO. Pinag-uusapan ang Diabetes tuwing Lunes sa segment na “Dr. Heal Healthline” . Maari po kayong sumama at sumali sa Diabetes Support Community na nakatuon sa mga gawaing panglaban sa Dyabetes. Tuwing Myerkules naman ay tinatalakay natin ang “Obesity” o Katabaan.

Read more...