Bianca, Beauty handa na sa level-up na bakbakan sa ‘PS’

WALA na talagang makakapigil sa patuloy na tarayan at patutsadahan nina Marga (Bianca King) at Tessa (Beauty Gonzales) sa hit afternoon seryeng Pusong Ligaw.

Sa pag-aasam na makaisa kay Tessa ay walang pakundangang inangkin ni Marga ang moment ng dating kaibigan sa paglulunsad ng TeriVida clothing line. Sa halip na si Tessa ay si Marga ang nag-speech sa harap ng mga bisita at sinabi pang ideya niya ang TeriVida.

Maging ang anak ni Tessa na si Rafa (Enzo Pineda) ay hindi pinalampas ni Marga nang pinaniwala nito na siya ang magiging date ni Vida (Sofia Andres) sa ball. Wala namang kamalay-malay si Potpot (Diego Loyzaga) na may masama palang balak si Marga nang inaya siya nitong sunduin at maka-partner ang anak.

Kasabay ng pagtindi ng bangayan ay ang nalalapit naman na pagsabog ng katotohanan dahil muling pinabuksan ni Jaime (Raymond Bagatsing) ang kaso sa nawawalang anak ni Tessa sa pag-asang ito ang daan para magkaayos silang dalawa. Tila paglalaruan na naman sila ng tadhana dahil madidiskubre ni Marga ang tungkol dito.

Paano gagamitin ni Marga ang natuklasan para mau-ngusan si Tessa sa laban? Paano rin kaya tatanggapin ni Potpot ang katotohanang siya ay ampon lang ng kinagisnang pa-milya?

Huwag palampasin ang mas umiinit pang mga tagpo sa Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Read more...