“On Thursday, August 31, following the recommendations of biosecurity experts, I signed a Memorandum Circular lifting the quarantine restrictions in the 7-kilometer controlled area radius around the town of San Luis, Pampanga and in Jaen and San Isidro towns in Nueva Ecija,” sabi ni Piñol.
Idinagdag ni Piñol na nangangahulugan ito na maaaring na ibiyahe ang mga poultry at poultry products mula sa mga nasabing lugar papunta sa iaba’t ibang palengke.
“However, Quarantine Restrictions and Surveillance are still in place in the 1-km. radius of the three towns,” ayon pa kay Piñol.
Idinagdag ni Piñol na papayagan lamang ang mga magsasaka na mag-alaga ng manok, itik, at pugo 90 araw kapag tapos na ang disinfection sa apektadong mga lugar.
“On Monday, I will make a formal report to President Duterte during the monthly Cabinet meeting on the bird flu crisis,” sabi pa ni Piñol.
Idinagdag ng kalihim na hindi pa malaman kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala na dulot ng bird flu, bagamat umabot sa 600,000 manok ang isinailalim sa culling operation.
Piñol:Krisis sa bird flu tapos na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...