Target ni Julian Trono: 99 Tula para kay Ella

JULIAN TRONO AT ELLA CRUZ

INAASAR palagi ni Julian Trono ang ka-loveteam niyang si Ella Cruz. “That’s how I express my appreciation,” rason ni JT sa pocket presscon ng movie nilang “FanGirl FanBoy.”

Nu’ng nakaraang birthday ni Ella, umiral ang pagiging hugutera niya dahil sa pahayag niyang lagi raw wala ang kanyang ka-loveteam.

“Hindi kasi siya palapunta sa events, parties, ganoon. So ako nasanay na ako na hindi siya pupunta sa ganoon. Kaya na-touch ako nang pumunta siya.

“Kasi nu’ng umagang ‘yon, binubuwist na po niya ako. Oo, inaano niya ako na hindi ako makakapunta.

Enjoy ka na lang diyan. Nasa Tagaytay ako. Tapos biglang nasa Music Hall siya. Ang lapit na pala ng Music Hall sa Tagaytay,” chika ni Ella.

May regalo naman si Julian sa kanya? “Tula po!” tugon niya. “May flowers din. Nagulat din ako. “Sa kanya ba talaga galing ang bulaklak?’” saad ni Ella.

Nagsusulat ng tula si Julian. Ang target niya ay 99 Tula para kay Ella pero sa ngayon, 12 pa lang ang nagagawa niya.

Sa Sept. 6 huhusgahan ang loveteam nina Ella at Julian para sa kanilang launching movie na “FanGirl FanBoy” mula sa Viva Films, N2 at Joyce Bernal Productions.

 

Read more...