Productivity training programs

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan at batid ko na marami kayong natutulungan. Gusto ko lang po sana na itanong ang tungkol sa productivity training na ipinatutupad ng National Wages and Productivity Commission dahil batid ko po na malaki ang maitutulong nito sa plano kong magtayo ng negosyo sa darating na buwan at ano po ang benepisyo na maaari kong makuha sa productivity training program na ito. Sana po ay masagot ninyo ang aking katanungan.

Enrique Vallo
Block 15,
Phase Felizana,
Bacoor, Cavite

 

Ang National Wages and Productivity Commission ay nagbibigay ng mga productivity training programs sa kanyang mga kliyente tulad ng mga sumusunod:
a.ISTIV Productivity awareness program
b. ISTIV Bayanihan Program
c. Service Quality Program for Key Employment Generators
d. 5S Program of Good Housekeeping

Malaking tulong ang mga nasabing programa kung saan ang target beneficiaries ay ang micro, small and medium enterprises (MSMEs),partikular na sa agricultural, manufacturing and service sectors.

Kaya malaki ang maitutulong nito sa mga nagnanais na magtayo ng kahit na maliit na negosyo.

 

Ang mga kumpanyang interesado sa programa ay maaring mag aplay sa tanggapan ng NWPC o RTWPB na nasa kani-kanilang rehiyon o tumingin sa NWPC https://www.nwpc.dole.gov.

Ang mga pamantayan sa pagpili ng mga kumpanya para sa mga nasabing programa?

a.Preferably 100% Filipino-owned companies.
b. With basic systems in place, e.g. hiring/selection of employees, production, maintenance

 

Dave Diwa
Commissioners,
National Wages
and Productivity
Commission (NWPC)

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...