NOONG Agosto 30, sinimulan nang ipalabas sa Pilipinas ang pelikula ng Korean superstar na si Song Joong Ki at gaya nang inaasahan hindi niya binigo ang mga Pinoy fans na nag-abang matapos naman itong unang ipalabas sa South Korea.
Star studded ang Battleship, kung saan bukod kay Joong Ki, na naunang minahal ng mga Pinoy na mahilig sa Koreanovela bilang ‘Big Boss’ sa Descendants of the Sun, nasa pelikula rin si So Ji Sub na nakilala bilang bidang male character sa Master’s Sun at Oh My Venus; ang child actress na si Kim Soo-Ahn na nakilala bilang anak ni Gong Yoo sa blockbuster movie noong isang taon na “Train To Busan”.
Kwento ang ‘Battleship’ noong Japanese colonialism kung saan kabilang ang Korea sa mga sinakop ng mga Hapon na nauwi sa World War II.
Dahil nasakop din tayo ng Japan, kayat tiyak kong makakarelate din tayo sa tema ng pelikula.
Mahigit 90 porsiyento ng pelikula ay kinunan sa loob isang Battleship kung saan sapilitang pinagtrabaho ang mga Koreano para kumuha ng coal. Ipinakita rin sa pelikula ang malawakang pang-aabuso, karahasan at pang-aapi ng mga Hapones noong unang panahon.
Sobrang galing nina Joong Ki, Ji Sub at ang batang si Soo-Ahn. Kagaya ng kanyang karakter bilang “Big Boss”, isa ring militar si Joong Ki sa pelikula, samantalang isang dating lider ng gangster ang karakter ni Ji Sub na walang kinatatakutan.
Sa kabila na gera ang tema ng pelikula, hindi lang ito simpleng war movie. Napakapulido ng pagkakagawa ng Battleship, kung saan aabangan ang bawat eksena.
Maraming aral na makukuha sa pelikula kaya talagang kagigiliwan ng mga Pinoy.
Sulit din ang paghihintay ng mga fans ni Joong Ki lalu na’t inabangan talaga ang kanyang ‘Battleship’ matapos namang aminin ang relasyon nila ng isa pang Korean superstar na si Song Hye Kyo na kanyang nakasama sa Descendants bilang Dr. Kang.
Palabas ang Battleship sa maraming sinehan sa bansa, patunay na napakaraming tagahanga ni Joong Ki.
Sa iskor na 1 hanggang 10 kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ang ‘Battleship ni Joong Ki ng 10.
Panoorin nang malaman kung agree kayo sa akin.
MOVIE REVIEW: ‘The Battleship Island’ ni Song Joong Ki hindi binigo ang mga Pinoy fans
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...