Mag-sister sa showbiz super tipid, naghihiraman ng damit at sapatos

MAY nakakalokang kuwento sa isang pamilyang showbiz na malaki ang natitipid dahil sa husay nilang pumara-paraan.

Maganda ang sinusunod na kasabihan ng mag-iinang ito—ang akin ay sa iyo at ang sa iyo ay akin din.

Nakakaaliw sila dahil kung ang ibang tao ay masyadong maselan sa kanilang mga kagamitan, ang mag-iina namang ito ay cool na cool, naghihiraman sila ng mga personal na bagay-bagay.

Kuwento ng aming source, “Maganda ang drama nilang mag-iina. Kapag bumibili raw sila ng mga damit, sapatos, pantalon at kung anu-ano pang stuff, e, pare-pareho.

“Meron silang tatlo, ang magsyupatid na aktres at ang kanilang mommy.

“Ganu’n ang drama nila, pero ang totoo, iisa lang ‘yun, naghihiraman lang sila, umiikot ang mga personal stuff nila sa kanilang tatlo. Tipid nga naman, di ba?

“Kung totoong meron silang lahat ng isang dress lang, e, bakit hindi rin nila ‘yun isinusuot nang sabay-sabay?

“Bakit hali-halili lang silang nagsusuot? Nakakaloka ang mag-iinang ‘yun!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Mabuti na lang at hindi nagkakamali ang mga karelasyon ng magkapatid, buti at hindi nahahalikan ng boyfriend ni Actress A si Actress B, dahil sa paghihiraman nila ng damit.

“Naku, nakakahalata na nga ang boyfriend ni ____ (pangalan ng maganda at kontrobersiyal na female personality) sa paghihiraman nila ng damit. Kapag dumadalaw kasi ang guy sa housing authority ng girl, e, nakikita niyang suot ng sister ng GF niya pati ang regalo niyang blouse.

“Mismo! Pati ang mga regalo ng male personality sa girlfriend niya, e, isinusuot din ng sister at mommy ng girl! ‘Yun ang tatluhan kung bumili ng mga kagamitan?

“Kasi naman, magkakasukat sila, nagpapalakihan din sila ng mga boobs, kaya puwede silang maghiraman ng mga kagamitan. Kasusuot lang sa isang interview ng girl ‘yung dress, pero after a few days, ang sister naman niyang nag-aartista rin ang may suot na ng damit?

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, napakadaling hulaan kung sinu-sino ang mag-iinang ito!

“Napaka-lucky naman nila sa pagkakaroon ng katawan na puwedeng manghiram na lang ng kagamitan.

“Magtaas na kayo ng kamao, isama n’yo sa rally ang mag-iinang ‘yan sa isang lugar sa Manila, di ba naman?” pagtatapos ng aming source na tawa nang tawa.

Read more...