59 suspek sa paglusob sa Marawi inabswelto

IBINASURA ng Department of Justice (DOJ) ang kasong rebelyon na inihain laban sa 59 pinaghihinalaang miyembro ng teroristang grupong Maute dahil sa mahinang ebidensiya, ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II .
Idinagdag ni Aguirre na ipinag-utos na ang pagpapalaya sa 59 suspek.
“They did not find the military witness as credible,” sabi ni Aguirre.
Sa kabuuang 59, 32 rito ay inaresto sa checkpoint sa Ipil, Zamboanga Sibugay, samantalang 27 iba pa ay naaresto sa kahabaan ng Daisy Road sa Guiwan, Zamboanga City noong Hulyo 25.
Sa kanilang counter-affidavit, sinabi ng mga suspek na ni-recruit sila para sumali sa Moro National Liberation Front (MNLF) at pinangakuan ng P30,000 kada buwan.

Read more...