Inaasahang aabot sa P207 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa Linggo.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nakakuha sa P201.614 milyong jackpot prize sa bola noong Huwebes ng gabi.
Umabot sa P36.2 milyon ang itinaya sa naturang bola kaya mas tumaas sa inaasahang P200 milyon ang actual jackpot prize. Lumabas sa huling bola ang winning number combination na 18-42-16-26-41-40.
Nanalo naman ng tig-P70,000 ang 22 mananaya na nakalimang numero. Tig-P1,270 ang 1,138 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 23,204 mananaya na nakatatlong numero.
MOST READ
LATEST STORIES