Male star wais sa pera, mga regalong alahas sa sikat na dyowa galing sa subasta

MULA sa isang sinasabing angkan ang isang male personality pero mahusay siyang humawak ng pera. Kayang-kaya niya namang mag-splurge, puwede niyang waldasin ang kanyang kinikita dahil para sa kanya lang ‘yun, pero hindi niya ginagawa.

Hindi niya pinagdadamutan ang kanyang sarili, binibili niya ang mga materyal na bagay na makapagpapasaya sa kanya, pero magaling siyang mag-alaga ng kanyang pinagpapaguran.

Marunong din siyang makisama, walang isyung lumutang na makunat siya, marunong siyang makipagpatak-patak kung kinakailangan. Sa madaling salita ay talagang mucho ang bulsa ng male personality na ito dahil dati na siyang meron.

Pero sa pakikipagrelasyon ay mahusay siyang magrenda ng pera. Idine-date niya ang kanyang girlfriend sa mga sosyaling restaurant, fine dining kung fine dining ang atake niya, pero hindi siya nagreregalo.

Kuwento ng aming source, “Marunong siyang magtipid pagdating sa mga mamahaling regalo. Kunwari, birthday ng girlfriend niya, o kaya, anniversary nila, magaling siyang mag-isip ng paraan para siya makatipid pero napakabongga ng gift niya sa girl!

“Kunwari, jewelry ang ireregalo niya, meron siyang nauutusang kaibigan para bumili ng mga alahas sa pawnshop. ‘Yung mga naremata na, ‘yung ibinebenta na nang halos kalahati na lang ang presyo.

“Du’n siya nagpapabili. Ipinatutubog na lang niya uli at ipinalilinis ang alahas. Bonggang-bongga ang jewelry, aakalain mong binili niya ‘yun sa sikat na jewelry shop.

Hindi iisipin ng niregaluhan niya na galing ‘yun sa subasta, mataas kasi ang kilatis ng alahas, bongga siyang magregalo, di ba naman?

“Walang kaalam-alam ang girl na segunda-mano na lang pala ang jewelry, naremata na, pero pinagmukhang bago lang uli ng boyfriend niya. ‘Yun siya!

“Kilalang-kilala n’yo kung sino siya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday at Ching Bautista Silverio. At kilalang-kilala n’yo rin kung sino ang sikat niyang girlfriend!

“Ang guwapo kaya niya, matangkad pa ang male personality, hindi siya maangas at gustung-gusto na siya ngayon ng pamilya ng girlfriend niya,” pagtatapos ng aming impormante.

 

Read more...