UNEXPECTED ang pagkikita ng magkaibigang action stars na sina Phillip Salvador at Sonny Parsons sa isang resto sa Kyusi. May meeting that time si Sonny with Charity Diva Token Lizares kasama ang kanyang manager na si Mercy Lejarde at ang inyong likod.
Katatapos lang mag-perform ni Token sa very successful benefit concert na “Awit Sa Marawi” and she’s planning to have another benefit concert para sa ibang institutions naman na tinutulungan niya.
Unknown to us, tulad ni Charity Diva ay marami rin palang charitable works si Sonny hindi lang sa kanyang lugar sa Marikina City where she served so many years as a policeman and a public servant.
Hindi na raw siya tumakbo ulit as a public servant dahil katwiran niya, nandiyan na raw si President Rody Duterte. Malaki ang tiwala ni Sonny na mapapatakbo ni President Digong nang maayos at tahimik ang buong Pilipinas. Bukod dito, pareho raw silang may dugong-Muslim ni Digong.
Aktibo pa rin siya both sa kanyang singing and acting career. In fact, kumakanta pa rin siya as a solo singer and at the same time, nandiyan pa rin ang grupo nilang Hagibis. Kaya lang, hindi na niya kasama ang ibang original members ng grupo.
Instead, the “new” Hagibis is composed now of young and talented singers. Except for him, of course. Okey naman daw ang new generation of Hagibis na kasama niya. And they’re planning to record a new album.
Aside from this, may bagong pelikulang ginagawa si Sonny ngayon. Hopefully, natuloy ang first shooting day ng bago niyang movie titled “Pulis Quiapo” last Saturday. Plano ni Sonny na isama si Token sa movie at ‘di pa man sila nakakapag-usap, e, nasa isip na niya na ibigay sa Charity Diva ang role bilang isang bulag na may tindahan ng tela sa Quiapo.
Siyempre, na-excite agad si Token sa sinabi at ipinangakong role ni Sonny lalo na nu’ng ikwento ng Hagibis singer ang mangyayari sa karakter niya sa “Pulis Quiapo.”
Ipinakilala rin ni Tita Mercy si Token kay Kuya Ipe and he gladly accepted ang ibinigay nitong bagong album na pinamagatang “Till The World Is Gone” which is already out na sa mga leading music stores.
Ito ang ikatong album na ginawa ni Token. ‘Yung dalawang nauna ay ang “Ikaw Lamang Sinta” at ang soldout album niya na “A Token Of Love” kung saan lahat ng kinita nito ay idinonate niya sa charity.
Tinanong naman namin si Kuya Ipe kung ano ang ibinigay na posisyon sa kanya ni Pangulong Duterte at kung meron nga ba? Namarkahan na kasi si Kuya Ipe bilang isa sa solid supporters ng Pangulo.
“Kilala mo ako, hindi ako nanghihingi ng posisyon,” madiing sabi ni Kuya Ipe.
Bago umalis ay may nais namang iparating na mensahe si Kuya Ipe sa hosts ng It’s Showtime na sina Vice Ganda at Anne Curtis.
“Sabihin mo sa kanila natutuwa ako sa kanila sa Showtime lalo na kay Vice at kay Anne, kapag nagbabatuhan na sila ng punchlines,” lahad ni Kuya Ipe.
Ilang saglit lang nakaalis si Kuya Ipe when another personality na identified din kay Digong ang dumating and he’s none other than Sec. Martin Andanar. Gaya ni Kuya Ipe, pormal na ipinakilala ni Tita Mercy ang kanyang talent kay Sec. Andanar.