Alden, Maine ayaw nang magpapiktyur nang magkasama

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

OVERLOAD pa rin ang kasiyahan ng Eat Bulaga Dabarkads sa kanilang biyahe sa Oita, Japan.

Bumabaha ng pictures sa Instagram account nina Allan K, Ryzza Mae Dizon, Joey de Leon, Ryan Agoncillo, Ruby Rodriguez at mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto.

Sa huling mga picture na ipinost ng grupo, nalaman ng kanilang followers na nag-stay sila sa isang spa hotel with matching Japanese kimono. Join din sa kanila sina Alden Richards at Maine Mendoza pero wala kaming nakitang photo na magkasama ang dalawa.

Caption nga ni Joey de Leon sa group picture nila, “Isang libo’t isang tuwa buong BANZAI…Eat Buraga!” May kuha pa nga siyang, “sleeping in heavenly PEACE – selfie while sleeping!”

Natuwa lang ang AlDub Nation sa “grass picture” ng Dabarkads kung saan napahanay sina Alden at Meng sa mga couple na kasama sa biyahe – Ryan at Judy Anne Santos, Vic at Pauleen, Joey at Eileen de Leon. Other than that, waley na.

Feeling namin, may kinalaman dito ang akusasyong sexual harassment laban kay Alden ng ilang fans dahil sa umano’y panghihipo kay Meng. Huh! Isang malaking kalokohan nga naman ‘yon.

‘Yun nga lang, talagang apektado maging ang mga matitinong AlDub members, huh!

q q q

Binalikan ng Kapuso actress na si Thea Tolentino ang kanyang unang kinahumalingan, ang pagko-cosplay. Sa kanyang IG post, hayun at ibinuyangyang niya ang bago niyang costume.

Nakasuot ng blonde wig ang ex-girlfriend ni Mikoy Morales at ayon sa caption niya, may dadaluhan siyang cosplay event sa susunod na buwan.

Komo blonde ang wig na nakatirintas, hula ng fans niya, si Elsa ng “Frozen” ang gagayahin niya. Inihambing pa nga ito ng fans sa role niya sa GMA series na Haplos dahil tema rin ng magkapatid na babae ang gagampanan niya.

Samantala, nag-celebrate nu’ng isang araw ng birthday si Thea. Aniya, “Sobrang blessed ako dahil napapalibutan ako ng mga taong nagmamahal sa akin.” At tunay namang blessed ang dalaga dahil hindi siya nawawalan ng trabaho sa GMA at patuloy na humahataw sa rating ang afternoon serye nila ni Sanya Lopez na Haplos.

Read more...