Kisses level up na talaga, bongga sa 1-M followers sa IG

ONE million na ang followers ngayon sa Instagram ni Kisses Delavin.

 

Bago nito, ay nagpost pa siya with matching hashtag na #kissesroadto1million.

Isa si Kisses sa latest trendiest stars lalo na ang tambalan nila ni Marco Gallo. Mas kilala sila bilang KissMarc.

Speaking of Marco, nakakaloka ang latest post din nya sa kanyang Instagram.

Kasama nya pa ang fellow PBB housemate na si Edward Barber sa isang video kung saan sila ay pinaasa ng isang lechon. Mukhang kuha naman ang video sa set ng kanilang magiging movie.

Nakakatawa ang video kung saan nagtatakbo sila pero sa huli ay ‘umasa’ lamang dahil mukhang fake o props lang ang nasabing lechon.

Magkakasama sina Kisses, Marco, Edward and PBB Big Winner Maymay Entrata sa pelikulang Loving In Tandem na ipapalabas sa nalalapit na September 13.

Read more...