PINATUNAYAN ni Ian Veneracion na walang sapawan, away o tensyon sa pagitan ng dalawang leading lady niya sa seryeng A Love To Last na sina Bea Alonzo at Iza Calzado.
“I can attest to that na never, never ko napansin na may tensyon sa kanila, na may kumpetisyon. Kasi sobrang close naming lahat,” sey ni Ian sa farewell/thanksgiving presscon ng A Love To Last kahapon.
Pareho raw masarap katrabaho at madaling mahalin ang dalawang aktres, “Kasi, for example, as an actor, my job is to, for example, fall in-love with this person, nun’g una, with Iza, nung pangalawang part, with Bea. Hindi mo madadaya ‘yun, eh. So, it makes my job so easy kung ‘yung katrabaho ko, eh madaling mahalin,” dagdag ng aktor.
Hirit naman ni Bea kay Ian, “What do you love about me? What do you love about Iza? Can you please enumerate?”
“Ako, with Iza, what I love about her, she has a wonderful sense of humor na unedited. Pag may sinabi siya, talagang malalaglag ka sa upuan mo. Si Bea naman, sobrang edited. Sobra siyang lola, na it’s so easy to annoy her. Pag nagsabi ako na may konting pagka-green na joke, nakikita ko nao-awkward na siya, sasabihin niya, ‘I don’t wanna talk about it!’, ganyan,” ani Ian.
Sa pagpapatuloy naman ng kuwento ng A Love To Last, marami pang pagdaraanan sina Anton (Ian) at Andeng (Bea) bilang mag-asawa. Namumulat na si Andeng sa katotohanang ang pag-ibig ay hindi parang fairy tale na inakala niya. Nandiyan ang panggugulo ni Grace sa pagsasama nila ni Anton; ang pagkabuntis ni Andrew (Enchong Dee) kay Bianca (Kazel Kinouchi); at ang pagka-stroke ni Mame (Perla Bautista).
May “forever” pa kayang nakalaan para sa ToneDeng? Tutok na sa nalalapit na pagtatapos ng A Love To Last sa Primetime Bida after La Luna Sangre, mula sa direksyon nina Jerry Sineneng at Frasco Mortiz. Kasama pa rin sa serye sina Ronnie Alonte, Julia Barretto, JK Labajo at marami pang iba.
Samantala, tuloy na tuloy na rin ang bonggang “Love Goals: A Love To Last Concert” na gaganapin sa Sept. 8 sa KIA Theater, 8 p.m. na pangungunahan siyempre ng ATL cast members. Para sa tickets, bumili online (www.ticketnet.com.ph) o tumawag sa hotline na 911-5555.