Nets kinuhang coach si Jason Kidd

HINDI pa man nag-iinit ang upuan sa bakasyunan ng kareretiro lang na si Jason Kidd ay agad naman siyang kinuha ng Brooklyn Nets kahapon bilang head coach ng koponan.
Nagretiro sa paglalaro si Kidd noong isang linggo matapos na maglaro ng isang season sa New York Knicks.
Mahigit anim na taon din siyang naglaro sa Nets kung saan nag-average siya ng 14.6 puntos, 9.1 assists at 7.2 rebounds kada laro. Noong 2002-03 season ay naihatid niya ang New Jersey sa NBA Finals.
“Jason Kidd has a long and legendary history with the Nets and with the city of New York,”’ sabi ni Nets owner Mikhail Prokhorov. “He has the fire in the belly we need, and has achieved as a player everything the Brooklyn Nets are striving to achieve. We believe he will lead us there. Welcome home, Jason.”
Noong isang taon ay lumipat ng tahanan ang Nets mula New Jersey patungong Brooklyn.
“Jason is a proven winner and leader with an incredible wealth of basketball knowledge and experience,” sabi ni Nets general manager Billy King. “This will be a natural transition for him to move into the role of head coach, as he embodies the tough, smart and team-first mentality that we are trying to establish in Brooklyn.”
Hindi naman inihayag sa publiko ang nilalaman ng kontratang pinirmahan ni Kidd bilang coach ng Nets. — AP

Read more...