MASYADO na ring naaabuso ang social media ng mga iresponsableng netizens. Hindi man natin nilalahat pero masyado nang ramdam ang paghari-harian ng ilang fans sa social media.
Feeling nila sila na ang nagpapatakbo ng career ng mga idolo nila. Sobrang OA na.
Tulad ng ilang fans ni Maine Mendoza, gusto pang kasuhan ang napakabait na si Alden Richards ng sexual harassment dahil nababastos na raw si Maine sa TV sa pagiging touchy lately ni Alden.
Hoy, fans! Hindi 16 years old si Maine para pangunahan ninyo. Hindi manhid ang babaeng iyan para di maramdaman kung nagti-take advantage na si Alden. He’s just being protective lang sa kanyang ka-loveteam. Inggit na inggit lang siguro kayo kay Maine dahil nahahawakan siya ni Alden.
Pati ang kaibigan naming lawyer na si Atty. Ferdie Topacio ay pag-iinitan ninyo just because close siya kay Alden. Ilagay ang mga sarili sa dapat ninyong paglugaran.
Nandoon na tayo, if not for these fans ay hindi sisikat ang mga artista pero dapat naman ay alam nila kung saan sila nakatayo. Hindi naman sila minamaliit. Kahit mga fans sila they are appreciated – soooo much. Pero anong ginagawa ng iba, binabastos nila ang buong industriya dahil sa pagpi-feeling nila.
Kung kami ngang members of the media ganoon-ganoon na lang din kung banatan nila. Konting tapik lang sa artistang paborito nila ay parang malaking krimen.
Ito pa ang isang netizen – kung bastusin naman ang 4-year-old son nina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati ay ganoon na lang. Calling our cutie baby Zion gay in a post ay very alarming. Bata iyan – MENOR DE EDAD, hija de punye***ra. Naiintindihan mo ba? Kaya hayun, nakatikim ng sagot kay Richard ng matinding “Fu**k yourself Bit*h!!!”
Buti nga sa iyo! Ano, natameme ka, ‘no? Mga walanghiyang ito. Malakas lang ang loob ninyo kasi karamihan sa inyo ay di gamit ang tunay na identity.
Kaya deadma na sa mga salbaheng fans. Mga berdugo. Bakit di na lang sila ang itokhang, baka lulong sa droga ang iba sa kanila. Ha! Ha! Ha!
q q q
Mamayang gabi na ang pa-concert ni kafatid na Roldan Castro sa Zirkoh Morato with the three major M’s ng music industry: Marion Aunor, Marlo Mortel and Michael Pangilinan.
Siyempre, nandoon kami dahil maliban kay Michael ay guest din ang isa ko pang alagang si Kiel Alo na napakahusay kumanta.
Speaking of Kiel, he will be recording his very first single soon – a beautiful song composed by dear friend Larry Hermoso of the “Nanghihinayang” fame ng Jeremiah. Meron din siyang iri-record na Ilonggo song na tiyak na kagigiliwan ng mga mahal nating Bisaya.
Michael naman is very busy these days, bukas, Sept. 1 ay meron siyang show sa Citymall Imus, Cavite. The next day ay guest siya ng LoveRadio sa Gensan. Sept. 3 ay diretso siya ng Bicol para sa isang malaking event. Sept. 8 ay magsi-serenade siya sa kasal ng isang gay couple sa Tagaytay City. Sept. 12 ay nasa Mactan, Cebu siya for a show.
Thanks to everyone who have been supportive of my artists. May isa pa akong alagang busy rin, si Ezekiel Hontiveros na hanep din ang boses. Maliban sa kanyang regular night work he will also be guesting in an indie film na isu-shoot sa Coron, Palawan next week.
Nakakatuwa dahil this young man could pass as a very good singer and actor. Puwede nga siyang maging sexy star dahil he’s gifted with talent, looks and body. Akala niyo kung anong gifted na, ‘no? He! He! He!