Bagitong kongresista masipag; baka pa-bibo lang? | Bandera

Bagitong kongresista masipag; baka pa-bibo lang?

Den Macaranas - August 30, 2017 - 12:10 AM

MARAMI ang nakakapansin sa kasipagan ng isang bagitong kongresista na mula sa isang lungsod dito sa Metro Manila.

Bukod sa pagiging palangiti ay kapansin-pansin ang pagiging tapat nito sa kanyang tungkulin bilang mambabatas.

Hindi siya pala-absent at talagang pinag-aaralan ang mga dokumento sa kanyang mesa hindi tulad ng ibang mambabatas na puro porma lang lalo na kapag oras ng sesyon.

Kung sa mga nakalipas na column natin ay puro tayo puna sa mga kalokohan ng ilang public officials ngayon naman ay hayaan nating ipakilala ko sa inyo ang isang masipag na kinatawan ng isang sikat ma distrito sa Metro Manila.

Sinabi ng ating Cricket na marami ang nakakapuna na alas-tres pa lamang ng hapon o isang oras bago magsimula ang sesyon ay nasa plenary hall na kadalasan ang ating bida.

Ginagawa raw niya ito para pag-aralan nang husto ang kanyang trabaho sa kamara.

Bagaman bagito sa kongreso ay hindi naman bago sa pulitika si Mr. Politician dahil nakatatlong taong termino rin siya sa kanilang lungsod bilang konsehal.

Kilalang palangiti sa kanyang pinagmulang industriya at ito ay dala-dala niyang katangian kaya madali rin siyang nakakuha ng mga kaibigan sa kongreso.

At para mas maintindihan daw nya ang proseso sa paggawa at pagpapatibay ng batas ay hindi siya nahihiyang kumunsulta sa mga kasamahang beterano sa kamara. (Ed: Wag lang kumunsulta sa mga buwayang kongresman)

Kung ganito lang daw sana ang lahat ng mga mambabatas ay masasabing sulit ang ibinabayad ng pamahalaan para sa serbisyong ibinibigay nila sa bayan.

Bagaman marami ang kumukwestyon sa kanyang gender preference, sa akin ay hindi na ito isyu basta’t ang mahalaga ay ginagawa niya nang tama ang kanyang trabaho bilang kinatawan sa Kongreso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bida sa ating kwento ngayong umaga na walang kayabang yabang sa katawan at patuloy na inaalam kung paano niya mapaglilingkuran ang kanyang nasasakupan ay si Mr. Y…as in Yun oh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending