Magnitude 4 lindol sa Southern Leyte

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.0 ang Southern Leyte kahapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:11 ng hapon.
Ang sentro ng lindol ay tatlong kilometro sa kanluran ng bayan ng San Francisco. May lalim itong isang kilometro. Ang paggalaw ng tectonic plate sa lugar ang sanhi ng lindol.
Nagdulot naman ito ng Intensity III paggalaw sa bayan ng Limasawa.
Walang inaasahang aftershock at pinsala ang lindol na ito.

Read more...