Morisette nabiktima ng ‘fake laglag’ sa Facebook

MABILIS na nagbigay ng official statement ang Kapamilya singer na si Morisette Amon sa viral video ng isang babaeng nahulog sa stage habang kumakanta. Ginamit ng Facebook page na nag-post ng nasabing video ang pangalan ni Morisette.

Dahil dito, inakala ng mga netizens na si Morisette ang nasa viral video. Nang mapanood ang video, nakaramdam ng awa at pag-alala ang singer sa naaksidenteng female performer.

Sa kanyang Twitter account, ito ang ipinost ni Morisette, “By the way, 1 very final thing… ung may kumakalat po na video na may nahulog sa hagdan, HINDI PO AKO UN.”

“Sana okay lang un siya. Besides the fact na niloko po tayong lahat sa admin ng page ng un with that video, mas nag-alala po kami sa mismong taong nahulog doon sa hagdan.

“THAT IS NOT A LAUGHING MATTER!” ang huling mensahe ni Morisette Amon na sinegundahan din ng kanyang followers.

Nu’ng una naming makita ang nasabing post sa FB, inakala naming si Morisette ang nahulog na babae dahil nga naroon din ang litrato ng singer.

Ibig sabihin, talagang sinadya ng nag-post na ilagay ang photo ng dalaga para makakuha ng maraming likes at views.

Read more...