May pag-asa pa bang umunlad ang kabuhayan?

Sulat may kay Doris ng Luyahan, Pasonanca, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Mula ng magkasakit ang mister ko at nabakante sa trabaho nagkanda-hirap-hirap na kami at nagkabaon-baon sa mga utang. At para makaraos sa araw-araw, pangungutang ang inaasahan namin kaya napilitan akong maglabada at mamasukang katulong. Sa ngayon magaling na ang mister ko at may trabaho na siya uli, pero kapos ang kanyang suweldo bilang electrician sa aming pang araw-araw na pangangailangan. Dalawa ang anak namin na parehong nag-aaral ng high school. Sana sa pamamagitan ng inyong tulong at gabay ay makahanap kami ng paraan upang umunlad naman kahit konti ang aming kabuhayan. December 14, 1984 ang birthday ko at January 26, 1980 naman ang mister ko.
Umaasa,
Doris ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Para makaahon sa mga pagkakautang at umunlad ang kabuhayan, kapansin-pansing may malinaw kang Travel Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa pakikipagsapalaran sa malayong bayan, maaaring sa pag-aabroad o paglipat ng ibang probinsya, doon mo makakamit ang isang maligaya at maunlad na pamumuhay.
Cartomancy:
Five of Clubs, Seven of Diamonds at Eight of Hearts ang lumabas (Illustration 1.).
Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong ito ng 2017, kung lakas loob na mag-aaplay ka na sa abroad, mabilis ang magaganap, kung hindi sa buwang ito ng Setyembre, bago matapos ang taong 2017, o kaya’y sa pagbungad na pagbungad ng 2018, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.
Itutuloy…

Read more...