‘Posibleng maulit ang pagpapakamatay ni Charice pag lumagpak si Jake Zyrus!’

JAKE ZYRUS

MAHALAGA sa kahit sinong artist ang mahusay na pangangalaga ng kanyang karera. The former Charice Pempengco na minahal ng bansa many years back is no exemption.

She was a cute girl who really showed so much promise sa music industry at sa awa ng Panginoon, was given her breaks – not just ordinary breaks pero gigantic talaga that no one can ever imagine.

Nu’ng una, sweet ang bata, mabait at very accommodating. Yung alam mong mas malayo pa ang mararating dahil hindi basta kung sino lang ang mga taong naging bahagi ng buhay niya – the most powerful media personality in the whole world na si Oprah Winfrey, no less. Nandiyan pa si David Foster na inalagaan ang international singing career niya. Naka-duet pa niya ang isang Celine Dion and so on and so forth. Akala nga namin, dire-diretso na. Akala namin ay madadala na niya ang bandila ng Pilipinas sa international scene after Ms. Lea Salonga who truly made it sa Broadway. Sayang. Sayang si Charice. Sayang talaga.

Nu’ng bininyagan si Charice sa Pasig Church a few years ago, mapalad akong mapabilang sa tumayong ninong niya. Imagine, katuwang ko ang naglalakihang pangalan sa industriya like Mr. Gabby Lopez, Ma’am Charo Santos, Kuya Boy Abunda, Kris Aquino, Tito Ricky Lo, Ms. Karen Davila and Ms. Oprah Winfrey represented by her assistant. Feeling ko ka-level ko na si Oprah, di ba? Kumare ko na yata siya. He! He! He!

I still took pride pa of my inaanak Charice na super-bait pa that time. Pero as time passed, nakaramdam ako ng malaking pagbabago sa kanyang character and attitude towards us. Pag nakakasalubong namin siya, deadma lang siya, na parang lahat na lang yata ng nakasalubong niya ay iniisip niya sigurong fans niya.

Hoy, ninong mo ako, sasabihin ko na lang sa sarili ko. Kaya I was very disappointed sa kanya noon. Pero hindi pa rin ako tumigil sa pag-connect sa kanya. Since nagpu-produce naman ako ng concerts for Michael Pangilinan I tried to invite her to guest.

Mga three to four times yata pero she gave me a runaround. Pinapasa sa kung sinu-sino but to no avail.

Masyado na kasing matayog si Charice. I didn’t feel that she exerted any effort to assist me kaya unti-unti ko na lang siyang nilagay sa limot.

Many years have passed. Binitawan na siya ni Oprah as her manager. Nakailang managers na siya pero hindi sila nagtatagal. Mahirap na raw katrabaho si Charice. Marami na siyang demands na kakaiba kaya halos wala nang gustong tumanggap sa kanya. Hanggang sa kung anu-ano nang kabalbalan ang pinaggagawa niya sa buhay. Malaking kabawasan sa kanyang kasikatan ang pag-out as lesbian at tahasang pag-display ng kanyang sexuality sa publiko.

Hayun, nagpatanggal ng boobs, nagti-take ng testosterone at nagbabalak na magpa-sex transplant at ang pinakamalala, nagpalit pa ng pangalan. Inilibing si para maging Jake Zyrus.

Mababa na ang boses niya at pumipiyok pa kaya it will take sometime para makilala nang husto si Jake Zyrus sa music industry. Hindi na siya ganoon kagaling kumanta kaya malamang magising na lang ang dating si Charice na Jake Zyrus na ngayon na wasak na ang career.

Doon kami natatakot for her, sana ay huwag na siyang magtangkang mag-suicide. Nakakatakot pero di malayong mangyari uli. Kaya Jake, kung may takot ka sa Diyos, don’t ever dare kill yourself.

Read more...