Wynwin isinakripisyo ang ‘Mulawin’ para sa Miss World PH

NAGPAALAM na si Wynwin Marquez sa co-stars niya sa Mulawin vs. Ravena upang mag-concentrate sa Miss World-Philippines. Sa Sept. 3 na ang coronation night sa SM Mall of Asia Arena.

Ang emotional niyang message ay ibinahagi ni Wyn sa kanyang Instagram account kamakailan lang habang nakasuot ng costume ng character niya.

“Paalam, Ribay. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng MVR! Mamimiss ko kayong lahat…Mga mulawin at ravena magkikita pa tayo muli and I’ll try my best to soar high. Lumipad kayo papuntang moa arena ah! #ForTheWyn #MWP2017.”

Kahit ninenerbyos dahil sa isang linggo na ang bakbakan sa MOA, humiling ng suporta ang girlfriend ni Mark Herras na gamitin ang kanyang hashtag para sa nasabing beauty pageant.

q q q

Nagpakita ng lakas sa takilya ang movie na “Woke Up Like This” nina Vhong Navarro at Lovi Poe. Limang milyon agad ang hinamig nito sa unang araw ng showing nu’ng Miyerkoles.

Wala naman kasing masyadong pretensyon ang pelikula na ang tanging layunin ay magpasaya at magbigay ng leksyon sa mga salbaheng tao.

Kaya naman si Vhong, todo ang pasasala mat sa mga kasamahan sa It’s Showtime dahil sa pagtulong nilang imbitahan ang mga tao upang panoorin ang movie gaya nina Vice Ganda at Anne Curtis.

After “WULT”, isang teen horror ang next offering ng Regal, ang “The Debutantes” na mapapanood na sa darating na October.

 

Read more...