Makapagsi-seaman bang muli?

Sulat mula kay Rodney ng St., Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Dear Sir Greenfield,
Dati po akong nag-abroad bilang seaman ang kaso ng matapos ang unang kontrata ko ay hindi na ako nabalik uli. Sa ngayon halos magdadalawang taon na akong istambay, pero nag-aaplay po ako kaya lang parang ang tagal bago ako matawagan, kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung makapagba-barko pa ba akong muli? Kasi kung wala ng pag-asa balak kong lumuwas ng Maynila at doon makipagsapalaran, may tiyuhin kasi ako don na may ari ng talyer at noon pa niya ako ini-invite na sa kanya na lang daw ako mag-trabaho. Ano po ba sa palagay nyo, saan ako higit na aasenso sa barko o pagmemekaniko? February 28, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Rodney ng Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw naman at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na basta’t magsikap ka lang sa pag-aaplay at wag manghihinawa, tiyak ang magaganap, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may ikalawang pagbabarko na mararanasan.
Cartomancy:
Five of Spades, Ten of Diamonds at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bagamat maraming mga balakid sa kasalukuyan pag-aaplay, matatapos din ang lahat ng mga problema nabanggit. Kung saan, pagsapit ng buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, matatawagan ka na ng agency or shipping company na pinag-aayan mo hanggang sa tuluyan na uling makapag barko at pagkatapos tuloy-tuloy ka na uling aasenso higit lalo sa aspetong may kaugnayan sa materyal na bagay.
Itutuloy…

Read more...