Kalat na: Alden hinahanting ng abogado dahil kay Maine

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

EWAN kung totoong si Atty. Ferdinand Topacio nga ang nag-comment na gusto niyang makita ang links ng sinasabing over na pagdikit-dikit ni Alden Richards sa leading lady niyang si Maine Mendoza.

Na-rattle ang fans ni Alden dahil nga nakarating na kay Atty. Topacio ang sinasabing physical na pagmamalabis ng actor sa kanyang ka-loveteam.

“@gmanetwork @EatBulaga yung sinakyan ni @FSTopacio ang mga accusations against @aldenrichards02 w/o checking his side. Nakakaalarma na,” said one fan.

“Sige, go lang kayo. Kasi sa lahat ng sinasabi ninyo di naman totoo. And Mr. Topacio kung di gentleman si Alden nagreklamo na sana si Marian Rivera,” say naman ng avid Alden fan na si @cutenessAvie.

We think na kung merong kalabisan si Alden sa pagpapakilig sa fans nila ni Maine ay si Maine na sana ang pumalag. Obviously, bashers of Alden were blowing this out of proportion para sumama ang image ng actor.

Gusto nilang magsolo na si Maine. Eh, di kalampagin n’yo ang management ni Maine. Magpetisyon kayo. Mag-rally kayo. At kung ayaw ninyong mahawakan ni Alden ang idol ninyo, eh, di isaksak n’yo siya sa mga baga ninyo!

Read more...