Sulat mula kay Jane ng Telegrafo, Tolosa, Leyte
Problema:
1. Ako po ay isinilang noong July 16, 1987. Napasulat po ako sa inyo sa dahil hanggang ngayon sa edad kong 30 na po ako ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, gayong matagal na po akong naghahanap ng lalaking magmamahal sa akin. Gusto ko na pong magka-boyfriend pero ang kaso wala namang lalaking dumarating.
2. Bakit kaya hindi ako ligawin? Kung may manligaw man sa akin napapansin kong hindi sila seryoso. Magkaka-boyfriend din kaya ako at kung magkaka-boyfriend ako sino po siya, saan ko makikilala at kailan po kaya siya darating sa aking buhay?
Umaasa,
Jane Tolosa, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing medyo mataba o may pagka-chubby na lalaki ang magiging first and last boyfriend mo na isinilang sa zodiac sign na Capricorn.
Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo at tuluyang mapapangasawa bukod sa isinilang sa zodiac sign na Capricorn ay may birth date na 2, 11 o kaya’y 29.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na medyo tsinita at hugis puso ay nagsasabing ang lalaking mapapangsawa mo ay medyo mataba na maitim, palabiro at masarap kasama.
Luscher Color Test:
Ang pagtatagpo ninyo ng lalaking magiging boyfriend mo at mapapangasawa ay nakatakda na, kung saan, sa araw na iyon nakasuot ka ng kulay na puti habang siya naman ay nakasuot ng t-shirt or polo-shirt na kulay berde o may guhitang o disenyong kulay berde.
Huling payo at paalala:
Jane, ayon sa iyong kapalaran, nakatakda na ang magaganap, kung saan, nakaayos na ang mga pangyayari, nakatakda kang magka-boyfriend sa susunod na taong 2018 sa buwan ng Agosto upang minsan pa pagkatapos ng dalawang taong relasyon ninyo, pagsapit ng 2020, sa edad mong 33 pataas, isang masaya at maligayang kasalan ang magaganap, na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na pagpapamilya.
Naghahanap ng boyfriend (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...