Naghahanap ng boyfriend

Sulat mula kay Jane ng Telegrafo, Tolosa, Leyte
Dear Sir Greenfield,

Ako po ay isinilang noong July 16, 1987 at napasulat po ako sa inyo sa dahil hanggang ngayon sa edad kong 30 na po ako ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, gayong matagal na po akong naghahanap ng lalaking magmamahal sa akin. Gusto ko na pong magka-boyfriend ang kaso wala naman po lalaking dumarating. Bakit kaya hindi ako ligawin at kung may manligaw man sa akin napapansin kong hindi sila seryoso? Magkaka-boyfriend din kaya ako at kung magkaka-boyfriend ako sino po siya, saan ko makikilala at kailan po kaya siya darating sa aking buhay?
Umaasa,
Jane Tolosa, Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wag ka ng malungkot o mag-alala Jane, dahil kapansin-pansing may namataan naman o nakitang malinaw na Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda, na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkaka-boyfriend ka at pagkatapos ng mga ilang taon pang pakikipag-relasyon may isang masaya at pang habang buhay na pag-aasawang itatala sa iyong karanasan.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Eight of Hearts at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking halos five years ang tanda sa iyo ang magiging boyfriend mo sa susunod na taong 2018 sa edad mong 31 pataas.
Itutuloy…

Read more...