Maja in love, baliw na baliw sa dating hayskul friend

PINABULAANAN ni Maja Salvador ang pinag-uusapang lovelife niya sa programang Tonight With Boy Abunda last Monday. May tsika kasi na isang mayamang entrepreneur ang bago niyang boyfriend.

Pero inamin ni Maja that she’s dating someone right now. Dati na raw kakilala ni Maja ‘yung guy. In fact, high school pa lang daw siya ay magkakilala na sila nu’ng guy.

Pinasinungalingan din ni Maja ang kumakalat sa social media na baliw na baliw daw siya sa bago niyang boyfriend dahil siya pa mismo ang nagdadala ng pagkain sa lalaki. Hindi rin daw true na ‘di siya type ng pamilya nu’ng guy.

Katwiran ni Maja, since dati na raw silang magkakilala nu’ng lalaki kaya matagal na rin siyang kilala ng pamilya nito. Kaya hindi raw totoo na ayaw sa kanya ng pamilya nito. At tungkol naman sa balitang baliw na baliw siya doon sa guy to the point na siya mismo ang nagdadala rito ng pagkain, dininay din ito ni Maja. Paano raw niya gagawin ‘yun samantalang busy siya sa taping ng soap opera niya sa Tanay, Rizal.

Read more...