Leyte niyanig ng magnitude 5.1 lindol

 
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.1 ang Leyte kaninang umaga.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-6:26 ng umaga.
      Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershock ang paggalaw na ito.
    Ang sentro nito ay limang kilometro sa silangan ng Albuera at may lalim na limang kilometro. Gumalaw ng tectonic plate sa lugar na naging sanhi ng lindol.
    Nagdulot ito ng Intensity V paggalaw sa Ormoc City at Albuera. Intensity IV sa Pastrana at Intensity III sa Tacloban City at Palo, Leyte.

Read more...