Host/composer Diana D may ibabandera sa #ShowbizLive

Kuha mula sa Instagram ni Diana D.

Artist. Host. Composer. Iyan ang ibabandera ng Senti-Sultry singer na si Diana D. at ang kanyang latest all-original at self-produce album na Senti | Sultry – Diana D. sa #ShowbizLive ngayong Miyerkules.
Nakatrabaho din ni Diana Soto Dayao, ang mga malalaking pangalan katulad nina Jed Madela, Zsazsa Padilla, Kyla, Princess Velasco at ilang iba pa. Nakagawa din siya ng collaboration kasama ang mga international artist tulad nina Apl.de.Ap ng Black Eyed Peas, RnB singer Keith Martin, and Indonesian singer, Agnes Mo.
Ni-launch nitong Pebrero ang Senti | Sultry – Diana D sa ilalim ng Viva Records at mapapakinggan na ang kanyang carrier single na One Day sa iTunes.
Recently lang ay naging host siya ng HistoryCon PH 2017, isa sa biggest entertainment conventions na ginanap dito sa Pilipinas.
Aside from being an artist and host, isa siya founder ng Manila Street Love, isang mobile gift-giving program na nag simula noong October 2015, kung saan siya at ilan sa mga kaibigan nya ang lumilibot sa Metro Manila para mamigay ng damit, pagkain at iba pa sa mga homeless at mga shelters.
Panoorin at kilalanin siya sa #ShowbizLive, 8PM sa Radyo Inquirer 990 at LIVE naman sa Facebook accounts ng Bandera at Inquirer.net

Read more...