Joey de Leon rumesbak sa patutsada ni Vice Ganda: Ang iniintindi namin ay ‘to be long’!

TILA sinagot ni Joey de Leon ang one-liner ni Vice Ganda na “Kung sinasabing ang GMA ay ‘Where you belong,’ ba’t sila naglilipatan?”

“We don’t care where we belong. Ang iniintindi namin ay TO BE LONG! Or TO BE THE LONGEST! @EatBulaga @michaelbitoygma,” tweet ni Joey.

But for some, too late na ang sagot ni Joey as it took him some weeks bago umaria sa social media.

“Nagkataon lng na nauna Eat Bulaga pero kung nagkasabay sila ng Showtime siguradong wala maipagmamalaki si Joey de Leon.”

“Hindi naman nakakatuwa pagka-witty niya. Negatron din ito. ang original na mahilig ding magparinig! yun nga lang most parinig not done in a funny way, punumpuno ng bitterness.”

“Oo nga naman…Think about it, hindi por que nauna ng 30 yrs at nagna-no. 1 pa rin e may maipagmamalaki na.”

‘Yan ang comments na aming nabasa sa socmed.

Read more...