Julian nakiusap sa press: Wag na nating idamay dito si Kylie!

HANGA naman kami sa tatag at tibay ng dibdib ni Julian Trono nang harapin niya at pakiusapang huwag na lang isali sa promo ng “FanGirl FanBoy” movie nila ni Ella Cruz ang dating isyu sa kanila ni Kylie Padilla.

“Masaya na po yung tao at may pamilya na. Masaya na rin po ako at kuntento at focus sa aking career. At the end of the day po, dapat lahat tayo happy lang,” sey ng mas gumuwapong actor-dancer na binigyan nga ng VIVA Films ng launching film kasama si Ella na isa ring dance sensation among young stars.

Baka nga naman makadiskubre ng bagong tandem ang Viva sa kanila dahil kapwa naman sila talented, maganda at guwapo at may ilalaban din sa acting.

Read more...