Hugot ni James sa mga reklamo ni Kris: Respeto lang!

SINUPALPAL ni James Yap ang isang basher who felt na ang issue sa pagitan nila ni Kris Aquino ngayon ay financial support. Ito ay matapos ibuking ni Kris na hindi na sinusustentuhan ni James ang anak nilang si Bimby.

“Kung ikaw ang nagbabayad ng tuition tapos biglang nilipat ng school matutuwa ka ba? #respeto,” sagot ni James sa basher.

“Kapal ng mukha mong James. Sarap mong ishoot sa basketball ring. Kakasuka yung sagot mo sa interview mo!!!!” bira naman kay James ng isa pang basher.

“Isa lang ang sasabihin ko sayo @near24_2017. Kung wala itong word na #respeto sa tao, masasaktan ka,” sagot ni James.

“You know exactly what respect means? I don’t think so sa sarili mong anak hindi mo kayang respetohin so now can I ask you something? Alam mo ba ang salitang #Effort? Yan ang wala sayo try mo din minsan wag puro pa interview,” ganting sagot ng netizen.

Obviously miffed, James said, “Alam mo last nalang @near24_2017 salamat sa advice. Effort? Ginawa ko na lahat yan.”

Read more...