Resbak ni Mocha kay Mariel: Huwag puro ganda ‘te, iba ang murder sa pagpatay sa mga kriminal!

MARIEL DE LEON AT MOCHA USON

SUMIKLAB ang part 2 ng bangayan sa social media nina Assistant Secretary Mocha Uson at Bb. Pilipinas International Mariel de Leon.

May kaugnayan ang latest tweet ni Mariel matapos mag-viral ang pagpatay sa Grade 11 student na si Kian delos Santos bilang bahagi ng Oplan Galugad.

“It’s hard to wrap my mind around the fact that people are okay with murder because their leader says it is okay,” unang tweet ni Mariel.

Buwelta ni Asec Mocha sa patutsada ng anak nina Boyet de Leon at Sandy Andolong with matching screen grab na inilabas niya sa kanyang Mocha Uson’s blog sa Facebook, “Ate wag puro ganda ginagamit mo. Iba ang MURDER at iba ang pagpatay sa mga criminal.

“HINDI INUTOS NG AMING PANGULO ANG PATAYIN ANG INOSENTE. Kung meron mga tiwaling pulis hindi ito kasalanan ng Pangulo at ito ang kanyang paparusahan. Don’t confuse MURDER WITH KILLING THE CRIMINALS.”

Heto naman ang kasunod na tweet ng beauty queen, “Hate inspires hate. Violence inspires violence. Until we stop harming others, we are still savages.”

Kasunod nito ang, “Didn’t mention anything specific, but hey! If you’re affected, I guess the shoe fits perfectly! #SashayAway.”
Nito lang Mayo nagbanggaan sina Mariel at Asec Mocha.

Read more...