Young actor lumaking spoiled, parang manikin kung alagaan ng mga magulang

PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang pagiging sobrang spoiled ng isang young actor na naghanap ng kontrobersiya kamakailan.

Tawang-tawa ang magkakaumpukan dahil meron silang naaalalang mga kuwento tungkol sa young actor na ilang beses na nilang nakatrabaho.

“Ay, sobrang protective sa anak nila ang mga magulang ng bagets! After ng take niya, e, nakasunod na agad ang nanay niya, may bitbit na lampin, para punasan ang likod ng anak niya.

“Wala namang masama sa ganu’n, dapat lang namang ingatan ng parents nila ang mga anak nilang sumasalang sa harap ng mga camera at ilaw na sakdal-init. Dapat lang talagang hindi matuyuan ng pawis ang anak nila dahil siguradong magkakasakit.

“Spoiled ang bagets na ‘yun sa parents niya, talagang inaalagaan siyang mabuti ng mga magulang niya,” simulang kuwento ng isang miron.

Heto pa. Kapag kailangan na kunong mag-change outfit ang young actor ay ang mga magulang na niya ang gumagawa ng lahat ng aksiyon. Nakaupo lang ang bagets.

Balik-kuwento ng source, “Basta nakaupo lang siya, prenteng-prente lang siyang nakaupo, ang mommy niya ang nagsusuot ng polo niya at ang daddy niya naman ang nagtatali ng lace ng shoes niya.

“Ganu’n siya kaasikaso ng parents niya, hindi na niya kailangang gumalaw, para siyang manikin na binibihisan ng mga sales girls sa eskaparate!

“Nu’ng minsan ngang makita siya ng isang veteran star sa ganu’ng position, e, napailing na lang ‘yung matanda. Paano raw matututo ang bagets, kung ganu’n na teenager na siya, e, binibihisan pa rin ng mga magulang niya?

“Dapat daw siyang pabayaan, kailangang maging independent ang bagets, para matuto sa buhay. Siguradong alalang-alala ngayon ang parents niya dahil sa kinasangkutan niyang issue.

“Bina-bash kasi siya ngayon ng mga fans ng sikat na male personality na pinatutsadahan niya. I’m sure, worried na worried ang parents niya,” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, give na give na ang mga clue, siguradong hindi na kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Read more...