Babala ni Pacman sa mga stand-up comedian: Wag nang gayahin si Mommy Dionesia!

DIONISIA AT MANNY PACQUIAO

MARAMI ang nabwisit sa demand ni Sen. Manny Pacquiao tungkol sa pagbabawal niya sa lahat ng stand-up comedian na i-impersonate ang nanay niyang si Mommy Dionesia.

Mula ngayon ay mahigpit niyang pinaaalalahanan ang sinuman na huwag nang gagayahin ang kanyang ina, lalo na sa pagpapatawa.

We would like to understand where Manny is coming from dahil ina niya iyon pero sa ganang amin naman, if he doesn’t want his mom to be impersona-ted dahil sobra nga ang pagka-character nito, pagsabihan niya ang nanay niya to behave accordingly. Or if not, alisin niya ito sa public eye.

Kasi, kahit saan man sa mundo, ang impersonation is the highest form of flattery. Ang dapat sanang i-pinakiusap niya ay huwag gamitin ang character ng nanay niya in a bad manner, yung below the belt na. Baka doon ay magkakasundo pa kami

“Normally kasi, yung mga baklita ay ginagaya ang pananalita, pananamit, make-up at galaw ni Mommy Dionesia dahil nakakatuwa siya, her Visayan accent gets public attention. Kahit si Sen. Manny mismo ay cha-racter din na ginagaya nga ni Pooh, di ba?

“Kaya I must say na walang karapatan si Manny na pigilan ang sinumang gumaya sa kahit sinong celebrity dahil karapatan nila i-yon. Walang batas na nagsasaad na bawal gayahin ang character ng kahit sino for as long as they know their limits. Dapat matuwa pa si Manny dahil may gumagaya sa nanay niya. Ibig sabihin, made na ang nanay niya,” sabi ng isang gay analyst na kausap namin.

Tama lang na dapat ay huwag below the belt dahil ibang usapan na iyon. Kahit sinong anak ay magagalit pag binaboy na ang pagkatao ng mahal niya sa buhay. Pero yung acting echos ni Mommy D ay hindi naman alarming, di ba? It’s just so much fun dahil ganoon naman talaga ang nanay niya eh. Kaya huwag sanang manipis si Manny.

Eh siya nga eh, parang comedy ang naging takbo ng ibang parte ng buhay niya. Yung pagiging senador niya from nowhere ay parang comedy lang ang dating, di ba? Ha! Ha! Ha! Iyon na lang dapat ang ipagpasalamat niya. Lalo siyang sumikat dala ng pag-impersonate ng ilang artists sa kanya.

“May pakiusap din kami kay Sen. Manny Pacquiao, huwag naman sana niyang seryosohin ang sinabi ni Freddie Roach na tumakbo siya as president of our country dahil ang bansang ito ay hindi isang malaking comedy bar. At huwag niyang gagamitin ang hawak niyang Bibliya para makakuha ng boto. Please lang,” talak naman ng isang barkada namin.

Oo nga, ‘no? Aware naman si-guro tayo na nasa bucket list ni Pacquiao ang maging pangulo ng Pili-pinas. Huwag naman, please. May pag-asa pa ang bayang ito. Huwag naman niyang gawing biro. After Duterte, this country may just pick up her lost pieces and bring back her glory again.

Read more...