Kitkat umaming nagparetoke ng ilong at boobs, kinampihan si Arci Muñoz

NAKATAGPO ng kakampi ang Kapamilya actress na si Arci Muñoz sa isyu ng pagiging “retoke queen”. Ipinagtanggol kasi siya ng komedyanang si Kitkat na aminadong nagparetoke.

Sa kanyang Instagram account, naglitanya si Kitkat about Arci and cosmetic surgery, she posted this message: “HINDI MAGANDANG MANGDOWN NG IBANG TAO DAHIL TINGIN NYO AY MAS NAKAKATAAS KAYO SA KANYA…. lahat ng tao Artista o Hindi, tao yan! kung pano kayo masaktan ganun lahat, lalo mga kapwa pilipino tayo!”

“Ang salitang RETOKADA or retoke ay di nman bago sa akin dahil inaamin ko naman lahat ng gawa sakin which is ilong at boobs….at pakibasa bio ko para wag paulit ulit!!! at wala akong tinatago, lahat sinasabi at inaamin ko, so ung makapagsabi lng ng retokada ako, hindi bash sa akin un at di ako apektado FYI…MAY MA lang kasi eh!” dagdag pa niya.

“Pinagtatanggol ko lng ang ibang tao dito sa post ko kagaya ni Arci! Walang karapatan ang kahit sino na idown sya, or pagsalitaan sya ng hindi maganda, lalo na pag mas maganda pa din sya kesa sa bashers!

Ang pangbabash ay hindi kinakaganda ng tao bagkus ikakapanget lalo at ikakalubog mo sa lupa dahil sa konsensyang wala ka!?”

Read more...