Ella, Julian inaatake ng nerbyos, na-pressure sa tagumpay ng ‘Kita Kita’

JULIAN TRONO AT ELLA CRUZ

PRESSURED si Ella Cruz dahil bida sila sa “Fan Girl, Fan Boy” ni Julian Trono.

Mas malaki ang pressure dahil ang laki nang kinita ng “Kita Kita” na idinirehe ni Joyce Bernal who is also involved in her movie.

“Actually, nu’ng lumabas ang ‘Kita Kita’ na everyday naglalabas sila ng P30 million, tapos P90 million, nagse-send kami ng screenshots. Katulad nga po ng sinabi ni direk Joyce Bernal, iba po ‘yung market ng ‘Kita Kita’ at ibang klase naman pong pelikula ang ibibigay ng ‘Fan Girl, Fan Boy’.

“Sobrang patong-patong po ‘yung pressure kasi palapit na nang palapit ang showing ng pelikula at ‘yun nga, ang dami ring comparison. Pero kami rin kasi hindi ‘yun ‘yung priority, hindi ‘yun ‘yung iniisip namin, eh.

“It’s more on kung magugustuhan ang movie namin at mamahalin din ba kami at kung tatanggapin din ba nila ‘yung pelikula namin tulad ng pagtanggap nila sa iba,” say niya.

Read more...