SINABI ni Philippine National Police Chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na hindi titigil ang PNP sa kampanya nito kontra droga.
“Despite our victories in the past year, we are certainly not slowing down in the war on drugs,” sabi ni dela Rosa sa kanyang talumpati sa ika-116 anibersaryo ng National Capital Regional Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City Biyernes.
Idinagdag ni dela Rosa na patuloy ang kanilang pag-aresto ng mga personalidad na sangkot sa droga.
“We are fighting a formidable enemy, ayaw paawat ng mga drug lords, patuloy pagpasok ng illegal na droga sa ating bansa,” ayon pa kay dela Rosa.
Umabot na sa 58 ang napatay ng mga pulis na umano’y sangkot sa droga sa loob lamang ng tatlong araw.
“Ang instruction ni pangulo very clear, continue war on drugs. Walang specific instruction na pumatay kayo nang marami. Ako rin walang instruction na mas maraming mamamatay mas masaya ako, ayon kay dela Rosa. Inquirer.net
MOST READ
LATEST STORIES