Candy mag-isang inaruga, pinalaki ang anak na special child; ilang taon na ring walang dyowa

PAOLO PINGOL AT  CANDY PANGILINAN 

BIGLANG naramdaman ng komedyanteng si Candy Pangilinan ang pressure sa pagpapalabas muli ng movie nila na “Star Na Si Van Damme Stallone” na idinirek ni Randolph Longjas sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa mahigit 80 plus cinemas nationwide simula nu’ng Miyerkules na tatagal hanggang Aug. 22.

“Kasi nu’ng una naming ginawa ito hindi naman namin inisip na makakapasok po sa ganitong pagkakataon, na sa buong Piliinas ipapalabas.

“Pero ngayon po na binabanggit ninyo po na nasa balikat ko, nape-pressure na po ako. So, magdarasal na po ako ngayong gabi,” sabi ni Candy.

Dalawang beses nanalo ang komedyana ng Best Actress award para sa pelikulang “Star Na Si Van Damme Stallone.” Una siyang nagwagi sa CineFilipino Film Festival at sumunod naman sa Los Angeles-Philippine International Film Festival last year.

“Ang tagal ko nang nagpapatawa, sa drama pala ako mananalo. Hindi po ba mas nakakatawa ‘yun,” seryosong sabi ni Candy.

Unang ipinalabas ang “Star Na Si Van Damme Stallone” sa 2016 CineFilipino kung saan umani ang pelikula ng maraming parangal. Bida rin sa movie sina Paolo Pingol at Jadford Dilanco.

Tinanghal na 3rd Best Picture sa Cine Filipino ang “Star Na Si Van Damme Stallone.” Nanalo rin ng Best Supporting Actor ang child star na si Isaac Aguirre na gumanap bilang kuya ni Van Damme Stallone sa pelikula.

“Para po ‘to sa bawat pamilyang Pilipino,” sambit ni Candy. “Para lang po magkaroon ng awareness.

I’m quite sure lahat ng tao, hindi man po lahat ng pamilya, kundi naman po meron silang differently abled na kasama sa pamilya nila. And I think, dito po sa pelikulang ‘to sinabi na ang pagmamahal lang po talaga will heal everything and will take it all.”

Isinali rin ang “Star Na Si Van Damme Stallone” sa Los Angeles-Philippine International filmfest 2016.

Bukod kay Candy na nanalo bilang Best Actress, nagwagi rin ang direktor ng pelikula na si Randolph Longjas ng Best Director.

Walang ideya si Direk Randolph na may anak ding special child si Candy. Kaya naman very personal ang pelikula kay Candy.

“Very relatable mga po sa ‘kin ang movie na ‘to. Sabi nga po ninyo may anak akong differently abled na, now is under the spectrum of ADHD. Na-rule out na po ang autism niya. Almost three years na po, kasi na-develop ‘yung social skills niya. Naka-relate lang ako kasi pareho naman po ang pinagdadaanan ng mga magulang ng may anak na differently abled,” kwento niya.

Quintin ang pangalan ng 13 year old son ni Candy. Mag-isang inaruga at pinalaki ni Candy ang kanyang anak. Never din nakita ni Quintin ang kanyang ama not until Candy filed a case in court.

“Wala raw siyang perang pang-support sa bata pero ang lawyer niya si Howie Calleja. Di ba ang taray?”

After 13 years, nagkita raw sina Quintin at ama sa korte for the first time, “‘Yung DSWD ang lumapit sa kin (hearing nila sa korte para sa child cuppport case). Sinabi kung pwedeng lumapit si Quintin. Ang sabi ko, sige,” kuwento pa ni Candy.

Tungkol naman sa kanyang lovelife, wala raw siyang boyfriend for the longest time. Hindi naman dahil na-trauma na siya or sobrang focus sa kanyang anak, “Siguro mas natu-trauma ‘yung mga lalaki kasi alam nila…dyodyowain nila ako kaya ba nila ‘yung bata?”

Read more...