Sharon inangkin si Robin, walang paki sa feelings nina Mariel at Kiko

ROBIN PADILLA AT SHARON CUNETA

GUSTO naming hanapan ng rationale ang recent post ni Sharon Cuneta sa social media on Robin Padilla. Baka kasi this early ay may plano silang i-reunite in a film, magandang pre-selling ‘yon to ensure a potential blockbuster.

Pero parang wala o wala talaga. All that we know is that Star Cinema is interested to have Sharon and Gabby Concepcion star in a reunion movie, na ewan kung matutuloy pa.

Sharon-Robin film project set aside, there’s apparently a missing link para iugnay ng Megastar ang tinaguriang Bad Boy of Philippine Cinema sa kasalukuyang panahon. Pero ‘yun naman pala, ang post ni Sharon was her token of gratitude for Robin’s support of her first ever Cinemalaya indie film.

A simple yet genuine thank you would do, but knowing Sharon who normally has a mouthful to say ay hindi nga ganu’n ang nangyari. She went as far as bringing back old, if not forgotten memories na kung tutuusi’y hindi na hinihingi ng pagkakataon.

Even more disturbing ay ‘yung reference ni Sharon kay Robin as “Robin ko” and “My Robin” as though—if taken seriously—pag-aari niya ang action star at wala itong asawa.

Ewan kung pananadya na rin ang ginagawa ni Sharon knowing full well that the netizens seem to be always on the lookout sa mga ipino-post niya, from the horrible traffic situation to the slow internet connection to certain domestic issues na sana’y sinasarli na lang niya.

Si Sharon din kasi ang nasa receiving end sa bandang huli. Like a bitter pill tiyak na mahirap lunukin down her throat ang mga bashings na tinatanggap niya, mula sa pag-aastang hindi na bagay for more than half-a-century-old woman in a world kung saan nagsilakihan at nagsipagtandaan na ang mga tao yet siya lang ang nanatiling teenybopper.

Dalawang mahahalagang tao sana ang isinaalang-alang ni Sharon before allowing her emotions drift away: ang asawa niyang si Sen. Kiko Pangilinan at misis ni Robin na si Mariel Rodriguez. She should have seriously thought about the “present,” tao man o pangyayari and should not have dwelt on the past.

Para ano? To savor the past lalo’t kung maganda naman ito is fine, but to look back na parang may panghihinayang dahil it could have worked but it did not for some reason serves no purpose at all.

For sure, had Mariel posted about her ex-sweetheart ay hindi rin ‘yon magugustuhan ni Robin, and vice versa. Same thing with Kiko, we could just imagine Sharon go berserk.

Parang mga documents lang ‘yan na may dapat kalagyang folder in your emotional files. You don’t necessarily have to delete them but you only open them when necessary.

‘Yun ‘yon, not when you’re in a supposedly happy union.

Read more...