Palitan ng asawa

HUWAG nang maging matigas ang ulo. Wala Siyang kinikilingan at hindi Siya tumatanggap ng suhol. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Dt 10:12-22; Slm 147:12-13, 14-15, 19-20; Mt 17:22-27) sa ika-19 na linggo sa karaniwang panahon.

Mas mabuting magmasid na lamang sa kasong Bautista vs Bautista. Hindi interesado ang mahihirap sa tsismis, mas sagana sila. Hindi interesado ang mga taga-showbiz, lalo na ang mga artistang babad na sa putikan. Mas susundan pa ang mga telenovela, ang makamundong walang sawa sa laman.

Walang sinabi ang maruming labada ng Bautista sa kasong barangay (lupon). Inireklamo ni babae ang kanyang nanay na lumandi at sumiping sa kanyang asawa habang siya (babae) ay wala sa bahay. Sa harap ng lupon, ipinagtanggol ni biyenan ang manugang na lalaki. Hinamon pa ang lupon na magpalabas ng certificate to file action. Isa lang yan.

Heto pa. Dumarami ang palitan ng asawa. Wala raw nilabag na batas dahil hindi naman sila kasal.
At kung kaya raw mangabayo si lalaki sa iba, mas magaling mangabayo si babae sa kapitbahay. “Kung kaya niya, kaya ko. Gantihan lang yan,” pakli ni babae sa barangay. “Husgado? Hindi ko naman asawa yan.”

Ang dapat sisirin ay ang napakaraming pera at bakit hindi naalarma ang Bangko Sentral. Kung ang limpak na pera ay marumi at galing sa marumi, di ba ilalapat ang parusa ng batas? Higit sa lahat, nagsisimula nang makita ang usok ng pandaraya sa eleksyon. Ito ang mitsa ng gulo.

Akala ng marami, nananalo si Digong sa gera kontra droga. Talo pala ang pangulo sa gera dahil mismong mga bata niya sa Customs na nasuhulan ang nagpapasok ng santambak na shabu.
Tulad ng sinabi ko, naramdaman ang baha ng Customs shabu sa Bulacan, North Caloocan, Quezon City hanggang timog MM. Hayun, 32 ang patay 24 oras sa Bulacan, mahigit 100 dakma at di pa mabilang ang dami ng shabu na nasamsam.

Kaya pala sinabi ni Aquino na “parang walang nangyari.” Mas maraming alam sa droga si Aquino kesa kay Duterte; eh, bakit hindi pinatutuga ang butihing anak ng mag-asawa (Cory at Ninoy para sa bulag na sinasalat ang pera) sa P500? Unang nalaman ni Gloria Arroyo ang pagdami ng shabu kaya nilagdaan niya ang Letter of Instruction 1 (National Anti-Drug Program of Action) noong Hulyo 4, 2001.

Mandato ng LOI 1 ang paglansag sa “ drug syndicates, producers, traffickers, pushers and their cohorts in the police, military, government office.” Traffickers at pushers lang ang tinira ni Digong. Inumpisahan niya ang mahihirap dahil dito nagmumula ang salot. Bakit di patayin ni Digong ang maimpluwensiyang supplier ng droga sa showbiz?

Sinlaki na lang ng buto ng mustasa (mula sa Ebanghelyo) ang aking hangad na malalansag ni Digong ang droga, dahil ito’y galing mismo sa gobyerno, sa mga sundalong nagmalinis kontra GMA. Wala na rin akong tiwala kina Lourdes Sereno at Andres Bautista. Naranasan ko ang paggamit sa hudikatura para lamang pahirapan sa paglilitis ang mamamahayag.

Hindi pa tapos ang terorismo sa Marawi. Di pa nabawasan ang gabundok na pera ng IS. Nangangalap lang ng bagong tropa. Madaling kumbinsihin ang mga naulila sa Marawi. Ipaghihiganti nila ang nalagas na mga kamag-anak. Sa Moro, di lang tao ang may simpatiya, kundi buong barangay. Pintakasi.

Kaya idineklara ni Marcos ang martial law ay dahil sa komunista, isa na sa kanila ay si Judy Taguiwalo. Buhay pa ang ilang dating opisyal ng PC na may dosier kay Taguiwalo. Alam nila ang bangis ng NPA, na mismong sariling laman ay kinakain at ang pangingikil sa mga negosyante. Ang FM 1081 ay kinatigan ng Supreme Court at ni Ninoy.

PANALANGIN: Sa mga pagkakataon na di na namin alam ang gagawin, liwanagan mo ang aming isip. Fr Mar Ladra, healing priest, Diocese of Malolos.

MULA sa bayan (0916-5401958): Walang martial law. Hindi hinuhuli ang NPA sa Northern Mindanao. Edna, Barangay Mangagoy, Bislig City …8968

Tabang. Mahal ang presyo ng premium gasoline dito. Barangay Casisang, Bukidnon …1341

Binaluktot ng historical commission ang massacre noong ’70s. Hindi massacre kundi bakbakan ng crusader at BAMA-MNLF. EFB …0821

Read more...