Lovi binansagang ‘LPJ’, Vhong maraming hugot sa ‘WULT’

VHONG NAVARRO AT LOVI POE

GARANTISADONG 100% non-stop entertainment ang latest family comedy for all ages ng Regal Films na “Woke Up Like This” nina Vhong Navarro at Lovi Poe. Hagalpakan daw ang mga nanood ng rough copy ng pelikula ni Joel Ferrer dahil sa mga kalokohan ni Vhong at kakikayan ni Lovi.

Bihasa na rin ang Regal sa paggawa ng comic films na pampamilya. Patunay ang latest blockbuster nitong “Our Mighty Yaya” na pinagbidahan ni Ai Ai delas Alas. Sumasabay rin kasi ang Regal sa mga uso ngayon dahil ang titulo na “Woke Up Like This” ay nagmula sa malikhaing isipan ng millennial.

Bida sa movie ang Prime Comedian na si Vhong bilang Nando, Hari ng Hardcourt , at Prime Actress na si Lovi, ang reyna ng rampa, bilang si Sabrina. Isang buwakaw sa basketball court at maldita sa rampahan at mapang-api sa mahihirap ang biglang nagkapalit ng kasarian dahil sa hindi magandang ugali.

Doon na nagsimula ang riot na eksena ng dalawa. Nang mabaligtad na ang mundo nila, lumabas ang pagiging maangas na lalaki si Vhong pero nakakatawang panoorin. Si Vhong naman bilang babae, super conscious sa mukha at animo ay tunay na girl ang kasarian! Kapag magkaeksena, sumasabog ang chemistry nila bilang comic tandem!

Lumabas din ang kakikayan ng iba pang female cast gaya nina Cora Wadell, Yana Asistio at Dionne Monsanto kaya naman kapag nagsama-sama na sila ni Lovi sa screen, kakabagan sa katatawa ang manonood. Sina Joey Marquez at Bayani Agbayani naman, winner din ang comic scenes lalo na sa eksenang naliligo ang huli habang pinanonood siya ni Vhong bilang Sabrina!

Unang comedy movie ito ni Lovi pero naitawaid niya ito with flying colors. Tawag nga tuloy sa kanya ng writers ng movie, “LPJ” o Lovi Poe, Jr., huh! Aba, natural comedian din ang nayamapang Action King bukod sa magaling na action star.

Of course, wala nang duda ang kahusayan ni Vhong bilang komedyante. Pero sa “WULT,” marami siyang hugot at bagong style sa pagpapatawa na ngayon lang niya ipinakita. Kaya nga proud na proud ang mga producer ng movie na sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo sa kanilang latest offering.

Sa totoo lang, swak na swak din sa buong pamilya ang “WULT.” May hatid itong may values na matutunan na kahit nasa rurok ng tagumpay ang isang tao, dapat lang na siya ay manatiling mapagkumbaba.

Makaka-relate din sa mga eksena ang millenials na tutok ngayon sa gadgets at social media.
Bilang bonus, may surprise appearance rin ang ilang kasama ni Vhong sa It’s Showtime at ilang kilalang basketball players na nakipagkulitan at nakipaglokohan sa buong cast.

Kaya sugod na madlang pipol sa Agosto 23 sa favorite n’yong mga sinehan at kalimutan muna ang sandamakmak na hugot n’yo sa buhay! Promise nina Vhong at Lovi, hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan.

Read more...