Maine matamlay sa ‘EB’, miss na miss si Alden

NAGPAKARAKISTA muli si Maine Mendoza nang panoorin ang concert sa bansa ng international singer na si Liam Gallagher ilang araw na ang nakaraan.

Post ni Meng sa Instagram sa picture ng concert stage, “I live my life for the stars that shine, people say it’s just a waste of time…In my mind my dreams ar real. Tonight I’m a rock n roll star!”

‘Yun nga lang, wala sa tabi niya si Alden Richards nang manood ng concert di gaya nu’ng panoorin nilang magkasama ang Cold Play ilang buwan na ang nakararaan. Hindi pa dumarating ang ka-loveteam niya na nagkaroon ng show sa Houston, Texas.

Kaya naman napansin tuloy ng fans niyang regular viewers ng Eat Bulaga, may tamlay factor ang presence ni Maine, huh!

Pansamantala kasing nawala ang bulungan at bungisngisan nilang dalawa at kung minsan ay may nakaw na halik pang nagaganap, huh!

Read more...