‘Haplos’ nina Rocco at Sanya sa GMA pasok sa Top 10 WorldScreen.com’s Social Wit List

DAHIL sa pamamayagpag ng Haplos sa GMA Afternoon Prime block, hindi lang dito sa Pilipinas at buong mundo trending ang serye nina Rocco Nacino at Sanya Lopez.

Nakasama sa top 10 most buzzed-about new shows worldwide nitong July ang Haplos, ayon sa isang New York-based international media business website. Pangwalo ito sa WorldScreen.com’s Social Wit List at natatanging Filipino show na nakapasok dito.

Kahilera na ang Haplos ng mga American TV shows gaya ng Raven’s Home, Earth Live! at Phelps vs. Shark. Bongga, di ba?

Samantala, patuloy na ginagayuma ni Lucille (Thea Tolentino) si Gerald (Rocco) para saktan si Angela (Sanya). Mabilis na umepekto ang gayuma kay Gerald at madali itong napapasunod sa kahit ano at maging ang mansyon niya ay pinuntirya nina Lucille at Cedes.

Dahil din sa gayuma kaya nasabi niyang hindi na niya mahal si Angela. Ito na nga kaya ang katapusan ng pagmamahalan nilang dalawa? Ano ang gagawin ni Angela sa oras na malamang si Lucille ang may kagagawan ng lahat?

Read more...