Alempoy ka-join sa serye nina Piolo at Arci

EMPOY MARQUEZ AT ALESSANDRA DE ROSSI

TULOY-TULOY ang swerte nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez dahil pagkatapos ng blockbuster movie nilang “Kita Kita” ay may bago na agad silang proyekto.

Makakasama ang tambalang Alempoy sa bagong teleserye ng ABS-CBN na pagbibidahan din nina Piolo Pascual, JC de Vera and Arci Muñoz na ididirek ni Antoinette Jadaone under Dreamscape Entertainment.

Pormal na inanunsyo ni Sir Deo Endrinal ng Dreamscape sa kanyang Instagram account ang nasabing serye.

Ipinost ng TV executive ang litrato ng mga bida sa bago nilang serye na may caption na: “Grinding soon, directed by Antoinette Jadaone. #PioloArciJC #Alempoy #DreamscapeNewSerye!”

Read more...