Kotse nadaganan ng isang cement mixer sa QC

NADAGANAN ng isang cement mixer ang isang puting Honda sa Mindanao Avenue, Quezon City, kung saan sugatan ang apat na katao, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

“May tumaob na cement mixer truck sa tapat ng BJMP along Mindanao Ave., may nadaganan na kotse.4 casualties. #mmda,” sabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim sa isang tweet.
Sa ulat ng DZMM, tatlo na ang nailalabas sa napiping kotse at nadala na sa ospital.
Kinumpirma naman ng MMDA na dalawa na ang patay, bagamat hindi pa nakikilala ang mga biktima.
Samantala, nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng trak.

Sa isang tweet, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na nangyari ang insidente sa harap ng headquarters of the Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP) on Mindanao Avenue.

Read more...