Idinagdag ng mga opisyal na ito na ang pinakamataas na bilang ng mga napatay sa isang araw mula nang inilunsad ni Pangulong Duterte ang gera kontra droga noong Hulyo noong isang taon.
Sinabi ni Senior Superintendent Romeo M. Caramat Jr., Bulacan police director, na umabot sa 21 ang patay, samantalang 64 ang naaresto sa nakalipas na 24 oras na operasyon sa lalawigan.
Idinagdag ng mga pulis na nanlaban ang mga suspek sa mga umaarestong mga opisyal.
Base sa rekord ng pulis, umabot na sa 3,264 umano’y sangkot sa droga ang napapatay sa pakikipaglaban sa mga pulis. Mahigit 2,000 iba pa ang namatay sa homicide, kasama na ang pag-atake ng riding-in-tandem.
MOST READ
LATEST STORIES