Kalat na: Pia inisnab ang Pinoy fans sa Thailand

ANG isa pang nagbago rin daw ng ugali ay ang ating Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Grabe naman daw ang pang-iisnab nito sa mga Pinoy fans niya sa Thailand recently.

Nu’ng maramdaman niyang padami na nang padami (hindi naman sobrang dami dahil sa Thailand naganap iyon, ‘no!) ang mga Pinoy na gustong magpa-picture sa kanya ay agad niyang niyaya ang kasama niyang umalis na at pagod na raw siya or something.

Iyan ang mahirap sa mga artists nating ito eh, nu’ng sumali siya Miss Universe contest, panay ang panghingi ng suporta sa bawat Pinoy na makasalubong niya and even sa social media. Na parang kay bait-bait niya.

Pero nang makuha na ang gusto, ayaw na niyang mamansin. Namimili na lang siya ng mga kakausapin or pakikisamahan. Kasi nga, Miss Universe na. Mayabang na raw sabi nila.

“Kaya sa susunod, di na kami magpapabola sa kanila. Hindi na namin ibibigay ang suportang hinihingi nila dahil pag nakalusot sila, dios mio, deadma na sila sa amin. Ano kami, mga bali? Bobolahin lang nila pag may kailangan pero pag sumikat na, wala nang pakialam at nagsisipagyabang na lahat. Hay naku, pare-pareho lang sila,” sabi ng isang fan na imbyernang-imbyerna nang marinig ang balitang pang-iisnab daw ni Pia sa Thailand.

“Hindi lang naman sa Thailand siya nagsuplada, eh. Kahit dito. Minsan nasalubong din namin iyan sa isang event, ni hindi na nga makatingin sa mga mata namin. Deadma na at laging nakataas ang noo.

Parang di pa namin alam ang nakaraan niya – kung sinu-sino ang mga naka-date na niya bago siya naging Miss U,” anang isang baklang dating kachikahan si Pia.

Hay naku, tama na ang pagsisintir. Next time, bahala na kayo. You’ve learned your lessons anyway.

Read more...